Hmmm...Dahil ba lagi kunot ang noo ko habang naglalakad, Dahil ba tahimik ako madalas sa classroom? Dahil ba sa likod ako
ng klase nakaupo pag Eng? Dahi ba hindi ako namamansin sa campus? Dahil ba d'yan kung bakit "Suplado" ang tingin sa
akin ng mga tao?! ROARRRRR!!! hindi kaya!?! Dahil 'dyan sa suplado connotation na yan sa akin muntik na akong hindi
makakuha ng class data for my Scientific paper sa Genetics..Leche!!! Ganito kasi yung nangyari, my gumawa ng class data dun
sa Lab section ko, tapos lahat ng classmate ko dun meron ng data, ako na lang wala...alam nyo kung bkit? kasi walang gustong
magbigay sa akin (awwwww...) mukha daw kasi akong suplado at mayabang, paano nila nasabi yun eh hindi ko naman nila ako
nakakausap,buti na lang my nalapitan ako sa klaseng yun para hiraman ng data, Solve! nakagawa ako ng paper! kaya kinagabihan
pumunta ako sa my cafe with my brods para mag-unwind at para bigyan ng reward yung sarili ko for finishing my requirements.
Guess who kung sino ang nakita ko dun? Yung gumawa ng class data namin, nung nakita nya ako, tinanong n'ya 'ko kung meron na
daw ba akong data, sinabi ko a kanya na meron na ako at tapos na paper ko (clap clap clap). Tapos nagulat ako kasi sis pala
s'ya ng brods ko sa isa pang org...so ang ending magkakasama kami sa table sa cafe tapos nagusap kami, s'ya yung nagsumbong
sa akin na walang gustong magbigay sa akin ng data kasi nga suplado daw ako blah blah blah...natawa na lang ako sa kwento nya
tapos nagusap na lang kami at nagtawanan...ang ending...sabi nya mukha lang daw talaga akong suplado, pero wala daw sa ugali
ko (well...) kaya yun friends na kami ngayon...saya! BOTTOMLINE- Hindi ako suplado, Kaya kunot ang noo ko kapag naglalakad
dahil mainit ang panahon, wala akong buhok, masakit sa ulo ang init!(pati magmumukha akong tanga kung maglalakad ako ng
nakatawa at ako lang mag-isa 'di ba?)Kaya tahimik ako sa classroom kasi nakikinig, nagmumuni-muni o natutulog ako, kaya
nasa likod ako ng Eng class ko kasi Yrastorza ang surname ko...Alphabetical ang sitting arrangement! ok?!?!?