October 29th, 2004

Unyango..mapag-panggap ka ba?

Alam mo ba kung ano yung Unyango? Camellion yun brad, yun yung hayop na nagpapalit palit ng kulay para maka "Blend-in" sa environment,
astig 'di ba? pero kung iisipin mo may mga tao din na ganyan, pero hindi sila astig...kasi sila yung mga mapag panggap, gets?! tulad nalang
nung isa kong friend (totoong friend ha!) na nagyoyosi, feeling n'ya kasi "Cool" siya at "In"..ang masagwa dun..HB s'ya, lam nyo
yun?! Hithit Buga! yun yung sa bibig mo lang dinadala yung usok, sabay labas agad..which is wrong?!? Damn wrong! nakakatawa s'ya panoorin
kasi paastig effect pa yung mukha n'ya habang nagyoyosi pero sa loob loob naming mga kasama n'ya e hindi naman, mukha lang siyang tanga..
LOKOHIN N'YA LELANG N'YA!!! kaasar 'di ba!? (sa mga natatamaan d'yan sorry ha..sarap lang kasi pag-usapan eh!) Meron din naman yung mga
kunwaring maraming alam pero wala naman talaga or slight lang talaga yung alam n'ya, tulad nung isa ko pang friend (Dami kong friends no?!
friendly kasi ako eh!) magaling daw s'ya magbasa ng notes sa music, siyempre being a musician (naks!) kinausap ko s'ya para isali sa band na
binubuo ko dati, nung nagpakitang gilas na s'ya (pero wala akong gilas na nakita) na-upset ako, langya! Do-Re-Mi lang yata alam nun e!
dinudukduk ng daliri yung piyesa..tama ba naman yun?!pano ka tutugtog habang nagdudukdok ng daliri sa piyesa aber?! bad trip, dahil sa kanya
'di natuloy banda ko..puro yabang e! pero kung tutuusin, kaya naman nagpapanggap ang mga tao para lang makapag yabang 'di ba?! kaya madalas
exagge yung mga kwento nila para magpasikat..kapikon no!? nagpapaka astig pero pag nalaman mo yung totoo..pano na?! yabangan nalang kayo
forever?!? ang saya! walang mangyayari sa buhay n'yo nyan..kaya minsan, mas gusto ko kausap yung mga tahimik at humble na tao, kasi minsan
sila pa yung may natatanging mga talento, siguro playing safe sila, kasi kung may mas magaling o mas may alam man kaysa sa kanila, ok lang
kasi 'di naman sila nagyabang na marami silang alam? 'di ba?! gets mo pa ba? may sense pa ba yung mga sinasabi ko?! ok lang yan..binasa mo
naman eh!
Posted by kadyo at 01:10 AM | 2 Criticisms

October 27th, 2004

Crush kita!..uyyy

Medyo mushy naman tayo ngayon ha, slight lang naman to e, kaya ok lang na basahin mo to pa sweetie ka man o bitter, ok? Crush kita...
kelan mo unang narinig yun? kelan mo huling narinig? ang tanong e narinig mo na ba yan na sinabi sa'yo? ako? oo naman narinig ko na yan, at oo
sa'kin sinabi, pero matagal na yun e...Ano ba ang meron sa crush? how do you define the word "Crush"? e yung crush mo paano mo idedefine?
Ako kasi meron din naman akong mga crush, pero rarely yung dahil lang sa physical attributes nila, kadalasan ako nagkakacrush dun sa mga girls
na magaling magdala ng sarili, yung may presence..gets?!(uyy..yung iba d'yan iniisip kung sila 'yun...), kasi kung physically ko titignan,
hindi na crush yun, fantasy na yun..tama ba? o pareho lang yun? pero since my idea na kayo dun sa "Crush" ko sa fantasy naman tayo, yung
mga girls na 'to actually e mga dream girls ko, kaya 'di ko alam kung existing sila (kung katulad ka ng mga idedescribe ko mail mo ako ha..
cheap ko ba?) una kasi tinitignan ko sa mga tao (take note, hindi lang sa girls) is yung mga paa nila, so dapat maganda yung paa nung girl,
next is yung kamay, dapat silky smooth (pero nakakatakot daw yung mga ganoong kamay kasi ibig sabihin nun e hindi siya gumagawa ng chores
sa bahay..'di ba?), tapos buhok naman, ok lang kahit 'di mahaba basta kayang dalahin, IMPORTANT:Dapat mabango buhok niya, Siyempre slim din
dapat..tapos medyo may boobs...tapos siyempre lahat naman ng lalaki gusto ng maganda ang mata (sino ba ayaw nun? yun kasi yung unang nakikita
'di ba?)Gusto ko din pala yung strong ang facial features, yung mga mukang mataray..ayaw ko kasi sa mga mukang tangahin e, turn-off agad yun
tapos pang-model na height. Dami ko requirements no? wala naman yan e, dream girl lang yan, alam ko naman na wala akong makikilalang ganyan,
kung meron man it's either taken na or 'di ako type (uyyy bitter)..Sabi nga sa akin nung isa kong friend baka daw sa taas ng standards ko e
hindi ko s'ya makita, e hindi naman pang relationship yung girl na dinedescribe ko e, i would rather hang out with someone na may magandang
sense of humor at sensible kausap. Pero tanong ko lang ha, bakit yung ibang girls e primary requirement yung pagiging gwapito ng isang lalaki
para maging Boyfriend? ano 'yun pang display? eh pano pag nagkatuluyan kayo at magkasamang tumanda, tingin mo 50 years from now e mukha paring
member ng F4 yung Boylet mo? I don't think so...kaya kung pang relationship na tao e yung tipong good companion nalang 'di ba? mabalik tayo
sa crush,dapat ba talaga physically attractive yung crush mo? well yung crush ko naman kasi ok din s'ya physically pero hindi 'yun yung
nagtrigger para maging crush ko 'sya e...(uyy nagiging personal na) kaya ba nagiging vain yung ibang tao para may magka crush sa kanila?
bakit? ano ba ang meron after nun? ikakasal ba sila?! siguro mga tricks nanaman yan na gawa ng tao para ma propagate ang species..tingin mo?
siguro mga scientist ang nag pauso ng mga crush crush na yan, kasi alam nila patok sa masa 'yun, kinailangan siguro nila iformulate yung ideang
yun kasi nakikita nila na malapit na ma-extinct ang mga tao..possible 'di ba?..pero 'di nga...crush kita!*blush*
Posted by kadyo at 09:41 PM | 5 Criticisms

Commute

Marunong ka ba mag commute? kahit d'yan lang sa tapat ng village nyo papuntang palengke? ako? oo naman, nagcocomute ako papuntang
Los Baños every sunday at pabalik sa amin every fridays or saturdays, madali lang naman talaga mag commute e, lalo na sa LB, masarap kasi
ang hangin pag malapit ka na sa campus e. Pero sa lahat ng lugar na napuntahan ko, Manila ang pinaka hate ko when it comes to commuting,
kasi bukod sa ilang sakay ka bago ka makarating sa lugar na patutunguhan mo e magkaka lung cancer ka sa usok ng mga sasakyan dun, isa
pang ayaw ko dun e yung masyado ka maraming sasauluhing lugar at landmarks, kaya everytime na magcocomute ako dun sobrang kinakabahan ako.
Kwento ko sa inyo yung experience ko, first time ko kasi na magcocomute nun sa manila at ang destination ko e UP Diliman, dito ako sa
Las Piñas mangagaling kaya ,Medyo mahaba mahabang byahe yun. First time ko din kasi na makakapunta sa UP Diliman nun kaya kinakabahan ako,
baka mawala ako e, baka makita nalang ako ng mga kapatid ko sa Hoy Gising, mukhang taong grasa at hindi makapagsalita. Anyway, ok naman yung
biyahe ko,never nawala yung mata ko sa kalsada at halos lahat yata ng street signs e binasa ko sa takot na baka mawala. Ay! ito pa pala ang
isang hassle sa pagcocomute, yung mga agaw-cellphone at mga pickpockets, nabiktima ako ng isa sa UP Diliman, kapikon! Linaslas yung bag ko
tapos kinuha wallet ko, eh andun yung ipon ko for the whole month, ayun nangutang nalang ako ng pamasahe sa crush ko, Dyahe!, Pero siyempre
kung my mga moments na badtrip ako sa pagcocomute e meron din naman akong mga astig na experience, tulad nalang isang beses nakasakay ako sa
bus sa my Coastal, biglang my tumabi sa akin na girl, ayos! ang ganda, makinis, at nakikingiti sa akin, bad trip nga lang kasi Zapote pa
lang bumaba na siya, e iniisip ko pa lang sasabihin ko para makuha cellphone number nya (cheap ko no?), Siyempre kasama na din d'yan yung mga
makaka kiskisan siko mo na chick sa mga bus, pa gentleman effect ko sa MRT pag wala ng maupuan ung nanay nung girl na type ko at kung ano
ano pa..ok din minsan yung mga bus na may Video on Board, pero walang tatalo dun sa isa kong bus na nasakyan sa may Alabang-Zapote, my
Videoke sa loob! Patay ka d'yan! wala nga lang mic, pero naririnig ko yung mga katabi ko na nag huhum, hiya yata sila kumanta eh, pero in
fairness ha, sabay sabay ang humming nila...kaya minsan ginugusto ko parin magcommute kahit hassle, marami kasing mga bagay na doon mo lang
maeexperience e, pero kung papipiliin, mas gusto may sariling auto, lintik kasi na mga bus at jeep yan e, basta may makitang kanto papara
dun para isakay lahat ng tao...'di ba?!
Posted by kadyo at 03:41 PM | 3 Criticisms

Tactics II

Merong mga times na sa sobrang nakakabore ang isang klase na wala ka nang gagawin kundi makipag alaskahan sa mga kaklase mo.
Tulad nalang ng isa kong klase, konti lang kami sa klase,mga 16 siguro, tapos yung prof namin dun yung tipong putak lang ng putak, ni mismo
sya e hindi maintindihan ang sinasabi nya, dagdagan mo pa ng mga split second exposure ng lecture nya sa Overhead Projector, ayun, parang
application ng insurance yung klase nya,e one time nag aasaran kami ng kaklase ko, my activity kasi kami sa klase nun, e related pa sa isa
kong klase yung activity kaya pa-easy easy nalang ako, ayun nakikipagsigawan sa kaklase ko na situated on the other side of the classroom,
eh nakahalata yung gurang kong prof, sabay tawag sa akin.."Yrastorza! ano ba yang ingay na yan ha..." natahimik ang buong klase, lahat ng
mata nakatitig sakin na parang sinasabing "Condolence pare..." kala siguro ni prof e kaya niya kong ipahiya sa harap ng klase, sa mga
oras na yun dalawa lang ang tumatakbo sa isip ko, either mag walk-out ako at I-drop ang subject na yun, o magmistulang maamong tupa at
aakuin ang kasalanan, kaso wala sa dalawa yung ginawa ko, parang gusto ko yata na mapahiya si prof, hehehe...Kadyo talaga, ubod ng
kakupalan, sinagot ko yung prof ko ng ganito, ma'am 'di naman po ako nag-iingay e, tinatanong ko lang po kung bakit 'di ko makita sa manual
yung dinidiscuss nyo, sa mga panahon na yun parang nabigla sakin yung mga kaklase ko, iniisip siguro nila na hinahamon ko ng away yung prof
namin, si prof naman natuwa sa sagot ko (akalain mo na inisip nya na nakikinig ako) sabay sabi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa inyo
na wala sa manual ang mga dinidiscuss ko..kaya nga lagi ko kayo sinsasabihan na mag take down ng notes e...hehehe, after nun kinamayan
ako ng katabi ko.."TOl! iba ka talaga, ang galing mo lumusot" syempre proud naman ako, 'ndi kinaya ng powers ng prof ko ang pagka pilyo
ko e...
Posted by kadyo at 02:45 PM | Criticize me...

Fashion yata...

Mahilig ka ba sa mga signatured na damit? mamahalin ba mga sapatos at accessories mo? kung oo, bakit? tingin mo naman mas maganda/pogi
ka pag mahal ang suot mo? hindi kita inaaway ha, pero tingin ko lang sa panahon ngayon hindi practical yung ganyan e, tingin mo? ako kasi
kahit medyo butas na yung kili kili at my konting mantsa (pero matino pa naman tignan) e ginagamit ko parin kahit sa pagpasok sa school o minsan
kahit pang gimik, wala lang comfortable parin naman kasi isuot e, actually pag nakita nyo mga shirt at pants ko, iilan lang ang branded
(hindi ko pa nga sure kung branded talaga yung iba o galing lang sa Divisoria), para sa akin kasi hindi madedefine ng price ng damit mo ang
character mo, 'di ba? siguro kung yung fashion sense mo na pag-uusapan puwede pa, pero yung price!? Duh!, kanina my nakita akong polo sa
isang fashion mag (sa ate ko yun ha hindi sa akin) ok lang yung design, typical na polo pang gimik, pero nung nakita ko yung price, napamura
ako ng ganito.."PUTANG INANG POLO YAN!" nasa 8,000 yung price nung polo, pang tuition ko na un ng dalawang sem ah, o 'di kaya 8 months na
pambayad sa renta sa apartment,o 8 weeks na allowance, o kaya 16 months na pambayad sa bill ng cellphone, pero 'nak ng tokwa 8,000 para sa
isang polo?! sweldo na ng ibang tao yun para sa isang buwan e. Siguro kung bibigyan ako ng ganoon, once a year ko lang siguro isusuot yun,
o kaya isasangla ko nalang...buti nalang dito sa UP ok lang kahit ano isuot mo, kahit naka shirt na kupas at boxers ka lang with matching
beachwalk na tsinelas e ok ka pa, dun ka komportable e! mas pagtatawanan ka pa at pagtitinginan kung magsusuot ka ng magagarbong damit,
kasi naman po hindi naman sa price ng damit nakikita ang pagkatao e, pati kaya tayo nagdadamit para proteksyon at pangtago sa mga private
parts...e bakit ung iba e kita na kaluluwa sa suot?! hainaku! tao talaga daming kaartehan sa buhay,mga simpleng bagay ginagawang kumplikado,
sana nag donate nalang sila sa mga street children o sa tahanang walang hagdan kesa gumastos ng todo sa mga damit na eventually e mawawala
din sa uso..'di ba?! kaya ikaw, sa hinaba haba ng binasa mo, may natutunan ka ba? o mas naguluhan ka lang..(tulad ko)
Posted by kadyo at 02:43 PM | 1 Criticisms

Highschool..Cool!

Naaalala mo pa ba kung gaano kasarap ang highscool life? kung saan una mo naramdaman ang iyong mga "Raging Hormones"? E yung mga
times na nangopya ka ng assignments, seatworks, quizzes at malamang pati exam? kung paano nito pikunin yung mga teacher nyo? at kung papaano
sila isa-isa nagwa-walk out sa mga klase nyo...sa school ko dati, normal na ang mga ganyang bagay, bukod sa all boys kami e sadyang pilyo
at sira lang talaga ang mga ulo namim. Pero bukod naman sa mga kalokohan e dun ko din naman na experience ang tunay na "Brotherhood", hindi
yung katulad ng sa Fraternity ha, yung tipong barkadahan lang talaga na halos magkapalit-palit na kayo ng mga mukha dahil kayo kayo nalang
lagi magkakasama, from sunrise to sunset..literal ha! Syempre kaakibat na ng mga memories na yun ung mga oras na kayo kayo ang magkakampi
laban sa mga lower batch sa inyo, ung massive na upakan?! tapos pag lahat kayo nahuli e magkakasama nanaman kayo sa detention, naglilinis ng
CR at magsasabon ng mga monobloc na silya na puno ng vandalisms tulad ng mga drawing ng ari ng lalaki, mga pangalan, minsan nga may
nag-flames pa dun e,yaakkk baduy nung nagsulat nun ha! Syempre 'ndi ko din makaklimutan kapag valentines day, lahat kami (barkada ko)
nakahilera sa tapat ng school namin na may mga bitbit na bulaklak, tapos pinagtitinginan kami ng mga dumadaan na estudyante mula naman dun sa mga galing
all girls, astig! wish nila galing sa school namin maging manliligaw nila...( na madalas nangyayari at madalas din kami ma turn down..awww)
Sarap talaga balikan ng highscool no? well para sa iba siguro ayaw na nila, its either na sila ung napagtritripan sa klase nila dati o kaya
naadik na sila sa freedom ng college life...oo nga masaya ang college pero iba paron ung highscool e, lalo na samin...kasi we put the COOL in
highschool..hehehe
Posted by kadyo at 01:01 PM | Criticize me...

Tactics?

Ikaw? ano ginagawa mo pag wala kang magawa? ako? nakatunganga sa kawalan,nag mumuni muni ika nga ng iba. Masarap kasi magisip kapag
wala kang magawa, pero kapag kelangan mo na gamitin ang utak mo, hindi ka na makapag isip, ang labo 'di ba? bakit kaya gano'n? halimbawa nalang
sa isang klase ko sa Chemistry, sobrang ang boring ng prof ko dun, as in walang ni isang salita na pumapasok sa kokote ko kapag nag lelecture
siya, kaya ang nangyayari ung katawan ko nasa lecture hall niya pero yung isip ko..ayun my concert kasama sila Sting, Allan Holdsworth at
minsan mga kabanda ko nung highschool ako, minsan din mga pinoy na banda, basta kahit sino, ang constant lang e nakaupo ako sa drumset ko na
Grestch na signature series ni Vinnie Colaiuta tapos astig na mga cymbal at hardware, on top of it, pinapanood din daw ako ng mga crush ko,
syempre magaling daw ako dun sa daydream ko e (At patay na patay sakin ung mga crush ko ha) *Snap back to reality* yung prof ko nakakhalata
na walang nakikinig sa klase nya kaya ayun, nagtawag ng isang estudyante sa bawat isang Lab section para magsagot ng mga board problems, e
biglang natawag yung pangalan ko, buti nalang mabilis ako mag isip (syempre ayaw ko mapahiya sa over 100 na tao sa loob ng lecture hall)
kaya sinabi ko nalang na "I'm sorry ma'am but I do not belong to that Lab section" AYOS! nakalusot ako nun, pero buti nalang hindi na
nangyari uli na magtawag si ma'am sa harap para magsagot ng mga board problems, kasi baka next time hindi na ako makalusot sa kanya..
Posted by kadyo at 02:28 AM | Criticize me...

Silence...

Posted by kadyo at 01:49 AM | 2 Criticisms
« | Older »